
Napuno ng kilig at hiyawan ang episode ng award-winning morning show na Unang Hirit ngayong Martes (April 16), dahil bumisita ang It's Showtime host na si Jackie Gonzaga a.k.a Ate Girl.
Isa sa highlight ng episode today, ang moment sa pagitan nina Jackie at Anjo Pertierra.
Hindi kasi maitago ng tinaguriang “Morning Heartthrob” ang kilig sa mga pick-up line na pinakawalan sa kaniya ni Ate Girl.
Pasabog na pick-up line niya kay Anjo, “Anjo! Speaking of weather may nabasa ako parang hindi naman totoo. Uulan daw?
“Parang hindi ako naniniwalang uulan.”
Balik na tanong ng UH weather presenter, “Bakit?”
“Kasi nung nakita kita biglang gumanda ang araw ko.”
Kasabay naman nito ang hiyawan ng UH barkada nang mapaupo na sa sahig si Anjo.
Matatandaan na nangyari ang trending at viral first-episode ng It's Showtime sa GMA-7 noong April 6, kung saan humataw din ito sa TV ratings.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings, nakakuha ang noontime show ng 9.6 percent ratings.
JACKIE GONZAGA'S HOTTEST PHOTOS