
Para kay Anjo Pertierra, sobrang fulfilling ang maging parte ng morning show na Unang Hirit at naging mga kaibigan na rin niya ang kaniyang co-hosts sa show. Nakakasama pa niya ang ilan sa mga ito at mga field directors para “gumimik” at kumain ng breakfast.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ni Anjo na ang nagbansag sa kaniya ng Growing Boy na moniker ay si Igan o Arnold Clavio.
Paliwanag niya, “Gawa ng ang hilig ko kumain sa umaga. Simula nung mahilig ako kumain sa umaga, nahilig na rin po lahat ng Unang Hirit hosts kumain sa umaga.”
Dagdag pa niya ay tuwing may gap pagkatapos ng isang segment ay malinis ang buong studio dahil lahat ng host ay sabay-sabay na kumakain sa labas.
“Kunwari nag-gap, after 'Unang Balita,' lahat kami nasa labas, walang natitira sa studio. Ta's sa studio lang mga crew, lahat kami kumakain sa labas, sabay-sabay. Every day,” sabi niya.
Samantala, binanggit naman ni Pia na tuwing walang pagkain sa set na parte ng show ay naaawa umano si Igan kay Anjo at nagpapabili ito ng pandesal para sa kanilang weather forecaster.
Ngunit ayon kay Anjo, iba na ngayon, “Mayroon na kaming contact na carinderia. So kunwari mamayang gabi magse-send na siya ng menu, tapos papadala na lang kinabukasan.”
BALIKAN ANG DATING UNANG HIRIT BARKADA SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin niya na madalas ay si Igan o si Susan Enriquez pa ang nanlilibre sa kanila, habang siya naman ang tagabili ng kanin. Nang tanungin naman si Anjo kung gaano karaming kanin ang nakakain niya, “Ay naku Ms. P, depende e.”
“E kasi may mga times na, mas lalo nung pa Christmas season na, ang daming lechon araw-araw sa studio. So parang hindi ko napapansin nakakatatlo-apat na kanin ako,” sabi niya.
“Magugulat sila, ako maiiwan sa mesa, sila nasa studio na, 'yung mga ganun,” pagpapatuloy ni Anjo.
Pero nilinaw naman niya na hindi na siya kumakain ng breakfast pagkatapos ng Unang Hirit. Sa halip, kapag walang trabaho ay matutulog siya at after lunch, kundi papasok sa additional work kung meron, ay pupunta sa gym o kaya ay magbabasa.
“Mga self-help books. Actually dati ko pa siya ginagawa, natutunan ko siya, nahiligan ko siya nung pandemic Ms. P. Doon po nagsimula,” aniya.
Kamakailan ay pumunta rin sina Anjo at Igan sa Tondo para sa isang masayang foodtrip. Kaya lang, ayon sa kaniya ay naempacho siya sa daming sinubukan nila doon na pagkain.
"Kasi grabe 'yung segment na 'yun, for UH din 'yun lahat kinain namin. Ms. P imagine-nin mo magkakatabi 'yung stalls doon, 'yung magkakatabing stalls doon kinainan namin, tinikman namin," sabi niya.
Kuwento pa niya, sa dulo ng segment ay parang boodle fight ang kanilang naging setup kaya sinubukan pa rin niyang kumain.
"Kumakain pa rin ako while talking, while doing the segment. 'Pag uwi ko, naempacho ako, Ms. P, as in kinabukasan hindi ako kumain sa sakit ng tiyan ko," aniya.
Pakinggan ang buong interview ni Anjo rito: