GMA Logo Anna Magkawas at Benjie Paras
What's on TV

Anna Magkawas at Benjie Paras, excited na sa 'Negosyo Goals 3'

By Kristine Kang
Published February 3, 2024 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Anna Magkawas at Benjie Paras


Bagong season ng 'Negosyo Goals', mapapanood na sa GTV.

Malapit nang ipalabas ang pinakabagong season 3 ng Negosyo Goals, kasama si Anna Magkawas at aktor na si Benjie Paras, sa GTV tuwing Linggo, 6:30 a.m.

Excited ang dalawang host ng naturang programa dahil mas maganda at maraming kaalaman sa pagnenegosyo ang maibabahagi nila sa mga manonood ngayong season.

Para rin kay Miss A, mas naging masaya ang programa dahil makakasama na nila bilang bagong host ang komedyante at Kapuso star na si Benjie Paras.

"Kung dati okay kami, masaya kami sa set. Ngayon mas masaya kami lalo with Benjie. Kasi mga punch line niya talagang very natural," kuwento ni Ms. A sa isang interbyu kasama ang GMAnetwork.com.

Feeling grateful naman ang aktor dahil hindi lang siya nag-e-enjoy, marami rin siyang natututunan sa programa.

Isa sa take-aways niya ay, "When you're going to enter business, kailangan buo yung loob mo eh. Pero before that, doon ako naniniwala sa feasibility study, na you need to know everything not only just the business pero what's going to be the outcome in what kind of place na puwede iyon."

Dagdag rin niya na naka-focus siya na makatulong pagaanin ang kanilang mga panayam sa programa para hindi manerbyos ang kanilang guests.

"Sa akin lang naman is makakatulong lang ako kay Mam Anna. Pipilitin kong maging masaya, maging medyo nakakatuwa naman,nakakatawa naman ang aming conversation. Not the [super] serious type," sabi ni Benjie.

Ang Negosyo Goals ay isang entrepreneur program kung saan nagbabahagi sila ng mga tips at mga kuwento ng successful business owners upang makapagbigay inspirasyon at kaalaman sa mga gustong magsimula ng negosyo.