GMA Logo Anna Vicente
What's Hot

Anna Vicente, binalikan ang Little Miss Philippines days niya sa 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar
Published April 19, 2021 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Anna Vicente


Sa exclusive interview ni Anna Vicente with GMANetwork.com, inalala nito ang most memorable moments niya nang sumali sa Little Miss Philippines ng 'Eat Bulaga.'

May ngiti na inalala ng GMA Artist Center beauty na si Anna Vicente nang sumali siya sa Little Miss Philippines (LMP) ng longest running noontime show ng Eat Bulaga.

Sa exclusive interview ng Kapuso actress sa GMANetwork.com via video conference ngayong hapon, April 19, ikinuwento niya ang mga nangyari nang sumali siya sa LMP taong 2004.

“Nag-Little Miss Philippines ako 2004, I was five years old yata or six, so ako talaga 'yung nagpilit sa mom ko na gusto ko sumali, kasi childhood dream ko talaga mag-artista and super gusto ko talaga makita sa TV.

“So umabot naman ako ng hanggang Grand Finals, pero hindi na ako nag-place sa Top Five.”

Source: itsannavicente (IG)

Isinilarawan pa ng Kapuso beauty na parang nasa Miss Universe pageant sila noon.

Pagbabalik-tanaw ni Anna, “Noong time namin talagang para kaming magfi-field trip, as in parang Miss Universe talaga and parang competition talaga, as in nag-field trip pa kami sa Enchanted Kingdom with all the candidates, ganyan.”

Dagdga pa niya, natutunan daw niya ang camaraderie sa pagsali sa flagship talent competition na ito ng Eat Bulaga.

“Tapos we went through different places also. So, ayun, siyempre as a kid 'yung camaraderie alam mo na agad and parang siyempre nung bata ka wala sa amin 'yung competition.

“Para kaming friends-friends talaga, so natutunan ko noong bata ako, actually sobrang naging fun experience lang talaga siya sa akin.”

COVID-19 surge

Natanong din ng GMANetwork.com si Anna kung kumusta siya sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 surge, kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng novel coronavirus.

Ayon sa 'Ang Dalawang Ikaw' star, ngayon niya mas na-realize ang halaga ng “mental health.'

Paliwanag niya, “Talagang na-realize ko na mental health is the most important thing, it's more important than anything else talaga.

“Ako siyempre I'm lucky enough that my family is always there for me and my friends, so I do the same as well na parang you should always check with them, kasi they have battles they don't talk about e.

“I realized that there are a lot of people going through something na tinatago lang nila sa sarili nila and ako kasi 'yung personality ko hindi ganoon, but I understand that kind of people.

“Since I have a lot friends na ganyan, so what I do is check you on them and make sure that they are okay.”

Nagbigay din siya ng tip sa mga Kapuso na puwede nilang gawin para hindi ma-depress sa gitna ng nararanasan nating pandemya.

“Mag-isip ng mga bagong bagay na puwede to keep you sane, kasi ang sakit sa ulo 'yung na wala kang ginagawa. May ganoon ako e, noong start ng pandemic.

“Nakaka-depress kasi dati, sanay ka e, may ginagawa ganyan. You're busy, you're doing something but then nagka-pandemic, parang nag-close lahat ng mga gagawin mo.

“You can't go out, even workout ganyan. You have to learn something new or you have to parang try new things.”

Kilalanin ang up and coming Kapuso actress na si Anna Vicente sa gallery below.