GMA Logo anna vicente and bea alonzo
What's Hot

Anna Vicente flattered about being compared with Bea Alonzo

By Jansen Ramos
Published September 3, 2021 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

anna vicente and bea alonzo


Bukod kay Bea Alonzo, may hawig din ang 'Ang Dalawang Ikaw' star na si Anna VIcente sa English actress na si Emma Watson: "Minsan akala ko binobola lang ako..."

Isa si Anna Vicente sa mga bagong mukhang napapanood tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime series na Ang Dalawang Ikaw.

Ang 23-year-old actress ay gumaganap bilang pangunahing kontrabida sa serye na si Beatrice.

Bukod sa magaling niyang pagganap sa Ang Dalawang Ikaw, kapansin-pansin ang maamo at magandang mukha ng aktres, na maihahalintulad kay Bea Alonzo.

Ayon sa panayam ng GMANetwork.com kay Anna sa Kapuso Brigade Zoomustahan kamakailan, flattered siya dahil marami ang nagsasabi na may hawig siya sa sikat na aktres.

Aniya, "Madami pong nagsasabi 'yung kay Bea po at, siyempre, happy ako ngayon na nasa GMA na po si Ms. Bea Alonzo and ka-look alike ko talaga s'ya,"

Ngayong nasa same station na sila, dream daw ni Anna na maka-work si Bea.

Nakangiti niyang dugtong, "Baka naman, GMA. Dream ko po makatrabaho si Ms. Bea. Ang dami ko pong nababasa na comments lagi na hawig ko daw po si Ms. Bea Alonzo. Siyempre, nakaka-flatter."

May dugong Spanish si Anna kaya naman may pagka-Western ang kanyang features.

Sa katunayan, bukod kay Bea, marami rin ang nakakapansin na kahawig ni Anna ang English actress na si Emma Watson, na nakilala sa kanyang pagganap bilang Hermione Granger sa popular na film series na Harry Potter.

"Grabe naman 'yun," reaksiyon ni Anna.

Dagdag niya, "Medyo kailangan pa ng konting humpak sa face. Siyempre, flattered po and minsan akala ko binobola lang ako na kamukha ko si Emma Watson pero kapag dumadami na 'yung mga nagsasabi, parang napi-feel mo na rin. Okay, sige po thank you."

Kilalanin pa si Anna sa gallery na ito:

Subaybayan si Anna sa finale week ng Ang Dalawang Ikaw na mapapanood pagkatapos ng Nagbabagang Luha sa GMA Afternoon Prime.