GMA Logo anna vicente and ken chan in ang dalawang ikaw
What's on TV

Anna Vicente, in love kay Tyler; hindi nailang sa intimate scenes nila ni Ken Chan sa 'Ang Dalawang Ikaw'

Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated September 6, 2021 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gabbi Garcia, Khalil Ramos to star in Ben&Ben’s ‘Duyan’ MV
P44M alleged smuggled cigarettes seized off Davao de Oro
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

anna vicente and ken chan in ang dalawang ikaw


Ayon kay Anna Vicente, never daw siyang nakaramdam ng ilang kapag ka-eksena niya si Ken Chan kahit pa sa intimate scenes: "'Pinakita niya sa 'kin na karapat-dapat siyang i-trust and tutulungan niya ko and, kumbaga, poprotektahan niya ako as his leading lady."

Nagkaroon ng pangalawang couple sa GMA afternoon drama na Ang Dalawang Ikaw at iyan ay sina Beatrice at Tyler.

Si Beatrice ay ginagampanan ni Anna Vicente, samantalang si Tyler naman ay ginagampanan ni Ken Chan.

Si Tyler ang alter personality ni Nelson, na may sakit na dissociative identity disorder. Si Nelson ay kasal sa kanyang longtime girlfriend na si Mia, ang karakter naman na ginagampanan ni Rita Daniela.

Kung tutuusin, hindi kabit si Beatrice ni Tyler dahil magkaiba ng persona sina Tyler at Nelson. Head over heels in love sina Beatrice at Tyler dahil na rin romantic sila sa isa't isa. Kabaligtaran ni Nelson, confident si Tyler sa kanyang sarili at hindi nahihirapan i-express ang kanyang pagmamahal sa kanyang partner.

Nagbago lang ang pakikitungo ni Tyler kay Beatrice nang malaman niyang nabuntis ang huli kahit na gumagamit ito ng contraceptives.

Gayunpaman, nakahanap naman ng karamay si Beatrice sa original persona ni Tyler na si Nelson dahil sa pagiging maalaga nito.

Sa Kapuso Brigade Zoomustahan, tinanong ng GMANetwork.com si Anna kung sino ang pipiliin niya between Tyler and Nelson, at sagot niya: si Tyler dahil inamin niyang na-in love siya sa karakter nito.

Bahagi ng aktres, "No'ng ginagawa ko po 'yung Beatrice na role, in love ako kay Tyler talaga kasi 'yun 'yung mga gusto ko mga bad boy, ganyan, na medyo bastos.

"Pero ang saya lang, ako as Anna, bad boy pero sa 'yo lang mabait, 'di ba? Bad boy pero sa 'yo lang loyal, ganyan. So si Tyler talaga."

Isa si Anna sa mga humahanga sa pagganap ni Ken bilang Nelson/Tyler at kahit pa kilala na ito sa pagiging magaling na aktor, never daw siyang nakaramdam ng ilang kapag ka-esena niya ito kahit sa intimate scenes.

Sabi ni Anna, "Sa ilang kay Kuya Ken, wala kasi I'm very comfortable working with him. Si Kuya Ken 'yung tipong 'you would trust talaga. Nakatrabaho ko siya sa Tween Academy, parang one taping day lang 'yon, parang 2000-something pa so years ago na talaga and nagkita lang kami sa online workshop and then sa taping na.

"Nagkaroon kami ng mga workshop ganyan tapos do'n namin nakilala 'yung isa't isa and I would say na ginawa ko 'yung mga eksena namin na hindi ako hesitant because I can trust Kuya Ken.

"'Pinakita niya sa 'kin na karapat-dapat siyang i-trust and tutulungan niya ko and, kumbaga, poprotektahan niya ako as his leading lady."

Speaking of intimate scenes, willing daw si Anna na gumawa ulit ng daring role sa mga susunod pa niyang on-screen projects.

"Syempre 'yung daring hindi naman na mawawala 'yan sa image natin pero, s'yempre, of course, I wanna try different roles siguro in the future."

Diin pa niya, "Ayoko naman pong maging napili sa role."

Kilalanin pa si Anna sa gallery na ito: