GMA Logo Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao at Annabelle Rama
What's Hot

Annabelle Rama, nagsalita tungkol sa isyung hiwalay na sina Manny at Jinkee Pacquiao; isyu ng pagbubuntis sinagot ni Jinkee

By EJ Chua
Published January 31, 2023 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao at Annabelle Rama


Sa isang post sa social media, naglabas ng pahayag si Annabelle Rama tungkol sa intrigang nasa proseso na ng annulment sina Manny at Jinkee Pacquiao.

Naglabas ng pahayag si Annabelle Rama tungkol sa intrigang hiwalay na ang Philippine boxing legend na si Manny Pacquiao at ang asawa nito na si Jinkee, na napapabalitang ding nagdadalang-tao.

Sa kaniyang latest post sa social media, nagsalita ang talent manager-actress na si Annabelle tungkol sa kumakalat na fake news na kasalukuyan daw na sumasailalim ang couple sa proseso ng annulment.

Ayon sa kaniyang caption, “Sa lahat ng marites, tigilan n'yo na ang pag-imbento ng kuwento tungkol kay Jinky [Jinkee Pacquiao] na mag-file ng annulment at kawawa naman dahil buntis.

"I just want to clarify sa lahat ng nagtext at tawag sa akin kung totoo ang chismis. No, It's a fake news. Unang una, sa nakikita ko, imposibleng maghiwalay ang mag-asawa dahil sa nakikita ko, ang sweet nila and happy family. Busy si Jinkee sa 3-hectare mansion na pinapagawa ni Manny para sa dream house nilang mag-asawa, at malapit na itong matapos.”

“Kaya 'yung mga marites, tigilan n'yo na. Alam ko kung sino ang gumagawa ng chismis, mamatay ka sa inggit,” dagdag pa ni Annabelle.

Kalakip ng kaniyang pahayag ay ang isang litrato na kasama niya sa isang event ang mister niya na si Eddie Gutierrez, dating Narvacan, Ilocos Sur Mayor na si Luis “Chavit” Singson, at ang mag-asawa na malapit sa kaniya na sina Manny at Jinkee Pacquiao.

Isang post na ibinahagi ni Annabelle Rama (@annabelleramaig)

Kakabit pa ng kaniyang post ay ang komento ni Jinkee, “Ang taba ko sa pic na 'to tita [laugh emoji]. Hayaan mo na sila God bless them! Vengeance is mine I will repay, says the Lord.”

Samantala, sumagot na rin si Jinkee sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahayag sa Fast Talk with Boy Abunda, “Fake news! I am NOT pregnant. Pinapaimbestigahan na namin sino ang nagkakalat ng fake news na 'yan! We are very much in love w[ith] each other and going stronger every day. God is good!”

Ilang netizens naman ang nagbahagi ng kanilang reaksyon tungkol sa nasabing isyu.

Matatandaang noong December 2022, ipinasilip ni Jinkee sa netizens ang kanilang bagong mansyon sa General Santos City.

SILIPIN ANG COUPLE MOMENTS NINA MANNY AT JINKEE PACQUIAO SA GALLERY SA IBABA: