
Present sa house warming ng bagong masyon nina Manny at Jinkee Pacquiao sa General Santos City ang batikang aktres at talent manager na si Annabelle Rama kasama ang kanyang asawa na si Eddie Gutierrez.
Sa Instagram, ibinahagi ni Jinkee ang larawan ng nasabing house warming kasama sina Annabelle, Eddie, at iba pang mga bisita kung saan nag-tour sila sa bagong mansyon.
Makikita rito ang floor-to-ceiling glass windows ng mansyon at ang pasilip sa kanilang malaking swimming pool.
Sa naturang post ni Jinkee, nag-comment ang anak nina Annabelle at Eddie na sina Ruffa at Raymond Guetierrez.
“Enjoy,” komento ni Ruffa.
Samantala, usap-usapan din ngayon sa social media ang naging komento ni Annabelle sa isyu nang 'di umano'y paghihiwalay ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati.
Dahil hindi man kasi kinumpirma ni Annabelle ang hiwalayan nina Richard at Sarah ay makahulugan naman ang kanyang sinabi.
Aniya, “Nakikita mo naman 'di ba? Nakikita mo naman hindi na kailangang magsalita pa. Nakikita mo naman na 'yan. Si Richard trabaho nang trabaho 'yung isa nagwawaldas ng pera. 'Yun lang ang masasabi ko diyan.”
Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag sina Richard at Sarah sa nasabing isyu.
SILIPIN ANG MANSYON NINA JINKEE AT MANNY PACQUIAO RITO: