GMA Logo Lorin Bektas and Annabelle Rama
Celebrity Life

Annabelle Rama, tinawag ni Lorin Bektas na 'perfect lola'

By EJ Chua
Published June 22, 2023 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Lorin Bektas and Annabelle Rama


Nag-comment si Lorin Bektas sa isa sa Instagram photos ng kanyang lola na si Annabelle Rama.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Annabelle Rama ang ilang larawan na kuha sa kanilang Dubai trip habang kasama ang anak niyang si Richard Gutierrez at partner nito na si Sarah Lahbati.

Sa isa sa posts ng talent manager sa kanyang Instagram account, mababasa na hindi lang followers niya ang napa-comment sa kanyang larawan kundi pati na rin ang apo niyang si Lorin Bektas.

Sa comment ni Lorin, sweet na sweet niyang tinawag si Annabelle na “perfect lola.”

Sulat niya, “I love you, safe flight my perfect lola.”

A post shared by Annabelle Rama (@annabelleramaig)

Kapansin-pansin na sobrang malapit si Annabelle sa kanyang apo na si Lorin.

Nito ring buwan ng Hunyo, nag-trending ang isang TikTok video ni Lorin, kung saan mapapakinggan ang kanyang lola na si Annabelle habang nagna-narrate ng kanyang makeup tutorial.

Labis na kinagiliwan ng mga manonood ang mga linyahan ni Annabelle sa kanyang apo.

Si Lorin ay anak ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-partner na isang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

CHECK OUT SOME OF THE STUNNING PHOTOS OF LORIN BEKTAS IN THE GALLERY BELOW: