Article Inside Page
Showbiz News
Bukod sa magandang kuwento ng
In Your Eyes, napag-usapan rin ito dahil sa pagsasamang muli nina Richard at ng dating girlfriend niyang si Anne.
Bukod sa magandang kuwento ng In Your Eyes, napag-usapan rin ito dahil sa pagsasamang muli nina Richard Gutierrez at ng dating girlfriend niyang si Anne Curtis. Maraming press ang na-curious sa kissing scenes at iba pang eksena nilang dalawa together. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio.

Natuwa at natawa na lamang si Anne Curtis during the presscon niya for
In Your Eyes dahil karamihan nga ng tanong sa kanya ay tungkol sa mga eksena nila ni Richard Gutierrez. Ano nga ba ang naramdaman ng dalaga during her kissing scene with Chard? Did sparks fly again? “Wala namang difference. Kiss pa rin.” sagot ni Anne, “Of course, once you imbibe the character iba na iyong mararamdaman mo eh. If you compared it to the [YouTube] video na medyo playful, ito naman intense.” Dagdag pa ni Anne, drama rin naman kasi ang plot ng movie kaya ibang-iba raw ito sa mga teenybopper scenes na ginawa nila dati ni Richard, “Of course it’s different kasi personal naman iyong before. We were given a chance kasi na mag-work onscreen na heavy drama. It’s a lot different kasi the movie is drama. Drama iyong plot.”
Para sa movie kasama nina Richard at Anne ang drama princess na si Claudine Barretto. Ito rin ang first movie ni Anne with Claudine kung kaya naman na-tense ang dalaga during their taping. “Natatakot ako na sampalin siya [Claudine Barretto]! Pero sabi naman ni Ate Clau, ‘Gawin mo.’ Mas natakot ako sa sindak niya sa akin na ‘Wag kang mahihiya ha, gawin mo talaga.’ Doon ako mas natakot kasi baka pag hindi ko nagawa ng tama baka mapagsabihan ako,” paliwanag ni Anne.
Dagdag pa ni Anne, kaya lamang siya kinakabahan ay dahil unang beses niya ditong makakatrabaho si Claudine. “Syempre tensed lang ako kasi it’s my first time to work with Ms. Clau. Eh very vocal ako na gusto kong maka-work sana si Ate Clau. Noong lumipat siya sabi ko, ‘Naku baka wala na akong chance to work with her.’ Pero praise God, through Viva and GMA, nabigyan naman kami ng chance to work together. So sobrang kinakabahan. Noong una naming mga eksena, di ako makatingin sa mata niya. Nahihiya talaga ako. Pero buti na lang, noong nag-shooting kami sa States, doon naka-bond. Binigay ko na lang iyong best ko para wala siyang masabi.”
Bukod sa heavy drama nga ang istorya ng
In Your Eyes, isa pang naging challenge kay Anne ay ang famous scene niya with Richard sa jeep kung saan kumandong siya sa binata habang nagmamaneho ito. Pero ayon sa kanya, worth it naman ito dahil maganda nga ang mga comments sa movie, “Nahirapan ako noong una sa eksena namin ni Chard, iyong sa jeep. I was so scared. Sabi ko, ‘Direk, kaya ko ba ito?’ Sabi niya, ‘Trust me.’ I’m happy I did it kasi maganda iyong feedback.”
Panoorin ang
In Your Eyes beginning August 18. In Your Eyes is directed by Mac Alejandre and stars Anne Curtis, Richard Gutierrez, and Claudine Barretto.
Pag-usapan ang movie na ito sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!