
Punong-puno ng good vibes ang hatid ng noontime variety show na It's Showtime tuwing tanghali.
Sa recent episode ng naturang programa, may birong hirit ang hosts sa kanilang kasamahan na si Anne Curtis bago nagsimula ang laro sa segment na “Ansabe.”
“Tyang [Amy], 'di ba sa Sexy Babe nandoon na si Anne? Siya 'yung hawak nina Ion e,” tanong ni Vhong Navarro sa co-host na si Amy Perez.
“Hanggang dito ba naman, nandiyan pa siya?” dagdag na biro niya at tinuro ang gumagalaw na lip effects ng “Ansabe” logo sa LED screen.
“Ay siyempre! Nandiyan siya kasi nami-miss natin,” ani Tyang Amy.
Dagdag na hirit pa ni Vice Ganda, “Tingnan mo nga naman oh. Paganyan-ganyan, sumusweldo pa 'yan.”
Sa X, isang Filipino user ang nag-post ng naturang video clip ng kulitan ng hosts at ibinahagi ito ni Anne at nag-react.
“Hahahahaha! I super miss my showtime family na!!!!!” sulat ng actress-host.
Hahahahaha! I super miss my showtime family na!!!!! https://t.co/AnoKpyVc1n
-- Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) February 11, 2025
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO.