
Good vibes ang hatid ng aktres at It's Showtime host na si Anne Curtis sa kanyang bagong TikTok video kasama ang kanyang kapwa celebrity na si Jericho Rosales.
Sa TikTok, mapapanood na nakasakay ang Filipina-Australian star sa motor kasama ang aktor at ni-recreate ang nag-viral na “Kuya, natanggal” video.
@annecurtissmith kuyaaaaaaaa natangaaaal
♬ original sound - Anne Curtis
Sa comments section, maraming netizens ang natawa at naaliw sa video nina Anne at Jericho.
Matatandaan na bumida na sina Anne Curtis at Jericho Rosales sa 2008 Metro Manila Film Festival entry na Baler.
Samantala, subaybayan si Anne Curtis sa noontime variety show na It's Showtime, na napapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO.