
Muling nagbalik at naghatid ng saya ang actress-host na si Anne Curtis sa noontime variety program na It's Showtime ngayong Biyernes (April 24).
Sa pagbabalik ng Fil-Australian beauty sa naturang programa, kumasa siya sa "Kembot Challenge" kasama ang kanyang kapwa hosts, Showtime Babydolls, at Madlang People.
Ibinahagi rin ng celebrity mom kung gaano siya ka-proud sa Nation's Girl Group na BINI matapos ang kanilang successful Coachella debut kamakailan.
Isa si Anne sa Filipino celebrities na dumalo sa 2026 Coachella Valley Music and Arts Festival sa US at ipinakita niya ang kanyang full support sa naturang girl group.
"Gusto ko batiin 'yung BINI! Congratulations on your Coachella debut! Kaka-proud!" ani Anne.
Dagdag pa niya, "Galing akong New York, tumakbo ako ng LA, talagang literal para lang maabutan sila. And when I saw them perform, lalo na nung lumabas ang flag ng Pilipinas, umiyak ako.
"Ang galing nila, talagang itinayo nila ang bandera para sa Pilipinas. Kaka-proud! Congrats, girlies!"
Bukod kay Anne, spotted din sa Coachella 2026 ang It's Showtime co-host niya na si Darren Espanto, Sparkle actress Mikee Quintos, former Pinoy Big Brother housemate AC Bonifacio, dancer-content creator Niana Guerrero, at iba pa.
Related content: Filipino stars and personalities at Coachella 2026
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.