
Pinag-uusapan ngayon ng Madlang People ang masayang kulitan at tawanan ni Anne Curtis sa fun noontime program na It's Showtime!
Noong Miyerkules (June 17), tila raw sinulit ng Dyosa ang kanyang pagho-host sa nakakatuwang segment na "Laro, Laro, Pick."
Kasama sina Darren Espanto at Kim Chiu, masayang nakipagkuwentuhan si Anne sa mga manlalaro mula sa Santa Ana, Maynila.
Mas lalo pang naging masaya ang segment nang dumating si Vice Ganda sa studio.
"Mga probinsya sa Pilipinas na walang letrang A or 'Ah', sa pangalan," ani Anne, tila nahirapang sabihin nang maayos ang instruction.
"Ano? Ano 'yun? Ulitin mo. Jusko naman o. Rinehearse na kita niyan sa c.r., e. 'Di ba pinraktis na kita sa C.R. diyan, nak!" pabirong hirit ng Unkabogable Star.
Marami rin ang natawa sa pressure moments ni Anne, lalo na nang bigla siyang hingan ni Vice ng halimbawang sagot.
"Anne Curtis! Anne Curtis!" sigaw ng mga host.
"For double pay!" dagdag ni Vice.
Hindi pa nagtapos doon ang kanilang biruan dahil game ring sumali si Anne sa aktingan sa “You Got A Lyric”!
"'Di ba sabi ko sa'yo, double pay ka ngayon kaya double work ka rin," biro ni Vice kay Anne.
Hindi mapigilan ng Madlang People na tumawa sa masayang banter ng dalawang host.
"Wait, wait, wait, wait. Ganyan trabaho mo pero naka-Chanel ka. Magpalit ka," banat pa ng komedyante habang nagtitiklop ng damit si Anne.
Sa request ng comedian, game namang sinuot ni Anne ang duster na tila agad naging fashion statement ang dating.
"Oy, bagay a! Ba't fashion pa rin?" biro ni Jhong Hilario.
Kaagad na pinusuan ng mga netizen ang nakakatuwang kulitan nina Anne at Vice. Masaya rin ang marami sa muling paglabas ni Anne sa segment na "Miss Q and A."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang kanilang kulitan sa "Laro,Laro,Pick!", dito: