
Magkapatid na ang turingan ng It's Showtime hosts na sina Anne Curtis at Vice Ganda, pero kagaya ng tunay na makapatid, nagkaroon na rin daw ng away ang dalawang magkaibigan.
Sa pagbisita ni Anne sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda kung umabot na ba sa away ang mga biruan nila ni Vice.
“May mga pagkakataon ba na nagkakapikunan kayo? May mga panahon ba na that you guys feel you're going boundaries of friendship sa inyong mga biruan?” tanong ni Boy kay Anne.
Ayon naman kay Anne, ang pinakamaalaking away na nila ni Vice ay nag-ugat lamang sa natapong watermelon shake.
Aniya, “Opo, nangyari na po sa amin po ni Vice [Ganda]. Pero nakakatawa po kasi 'yung dahilan. Dahil lang sa isang watermelon shake.”
Kuwento pa ng aktres, “Talagang 'yung relationship namin alam mo 'yung away-magkapatid, dahil lang natapon 'yung watermelon shake? Tapos doon lang 'yun nag-start, na parang, 'E, tinapon mo 'yung watermelon shake,' tapos sabi ko, 'Watermelon shake…okay sorry,' tapos 'yun na lumaki nang lumaki. Pero ayun nagkabati rin [kami] after one or two days.”
Paglilinaw ni Anne, wala naman silang naging hindi pagkakaunawaan ni Vice bukod dito.
“But anything beyond that, wala pa kaming away na grabe, 'yung mga petty lang that's the first and last disagreement,” anang aktres at TV host.
Samantala, patuloy naman na mapapanood sina Anne at Vice sa It's Showtime sa GTV.
Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA, TINGNAN ANG KAKAIBANG GLOW NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO: