GMA Logo Anne Curtis
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Anne Curtis, nagbabalik sa 'It's Showtime': 'Na-miss ko ang Madlang People'

By Dianne Mariano
Published September 16, 2024 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA forecast cloudy skies, isolated rains over PH on Good Friday
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis


Sinorpresa ng actress-host na si Anne Curtis ang madlang people sa kanyang pagbabalik sa 'It's Showtime.'

Muling nagbabalik ang isa sa main hosts ng It's Showtime na si Anne Curtis nitong Sabado (September 14).

Sinorpresa ng actress-host ang madlang people at viewers nang magpakilala siya bilang isa sa contestants ng “Kalokalike Face 4.” Nagpakilala ang Filipina-Australian beauty bilang si Dahlia Amelie, ang Anne Curtis ng Mandaluyong City.

“What's up, Madlang People! Ako po si Dahlia Amelie, ang Anne Curtis ng Mandaluyong City!” ani Anne.

Nag-perform pa ng song number si Anne nang awitin niya ang “Please Please Please” ng American singer na si Sabrina Carpenter.

Matapos ang kanyang performance ay sinabi ng aktres, “Ayon na nga po, naniniwala po akong lagi akong absent, but I'm here for today!”

Ayon pa kay Anne, labis ang kanyang tuwa sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime. Aniya, “I'm so happy to be back, madlang people!”

“Na-miss ko talaga kayo at na-miss ko ang madlang people,” dagdag pa niya.

Bukod sa kanyang iba't ibang proyekto, naghahanda na si Anne para sa "Magpasikat 2024" ng It's Showtime, kung saan makakasama niyang magpakitang-gilas ang teammates na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO: