GMA Logo Anne Curtis
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Anne Curtis, napagkamalan na kamukha ni Anne Curtis?

By Dianne Mariano
Published February 5, 2026 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis


Tila hindi namukhaan ng "Laro Laro Pick" contestant na si Elizabeth ang actress-host na si Anne Curtis sa 'It's Showtime.'

Napuno ng good vibes at katuwaan sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime nitong Miyerkules (February 4).

Sa naturang segment ng noontime variety show, tila hindi namukhaan ng contestant na si Elizabeth ang host na si Anne Curtis. Ito ay matapos mapansin ng hosts na nag-uusap sina Elizabeth at co-contestant nito na si Els habang may ini-interview na ibang contestant.

Nang tanungin ni Vice Ganda kung ano ang kanilang pinag-uusapan, ani ni Elizabeth habang nakaturo kay Anne, "Kala ko po si Anne Curtis."

Hirit pa ng Unkabogable Star, "Wala siya, may pelikula kasi si Anne, nag-promote po siya. Gusto mo ba sana makita si Anne?"

Sagot naman ni Elizabeth ay nais makita niya ang Filipina-Australian beauty.

Matapos ito ay tinanong ni Vice Ganda si Elizabeth kung ano ang nais nitong sabihin kay Anne.

"Hello, Anne! Idol kita. Sana nandito ka," ani ng contestant.

Ayon pa kay Elizabeth, iniidolo niya si Anne dahil sa ganda ng boses nito kung kaya't pina-sample ang huli ng kanyang co-hosts sa pagkanta. Matapos ito, na-realize ni Elizabeth na si Anne Curtis nga ang nasa harap niya.

Paliwanag ni Anne, iba lamang ang kanyang hairstyle sa ngayon.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related content: The many times Anne Curtis proved she can slay any hairstyle