
Puno ng pagmamahal ang actress-host na si Anne Curtis nang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kamakailan.
Sa episode ng It's Showtime nitong Martes (February 17), nakatanggap ang Filipina-Australian beauty ng masayang pagbati, birthday cake, at flower bouquet mula sa kanyang It's Showtime family.
Labis naman ang pasasalamat ni Anne sa kanyang mga kasamahan sa noontime variety show.
Aniya, "Thank you so much. I love you guys so much. I love my Showtime family so much. Thank you so much. Here's to another year of It's Showtime."
"My birthday is complete that I get to see you guys [at] ang ating Madlang People," dagdag pa niya.
Matapos ito, tinanong ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung ano ang special wish ni Anne sa kanyang kaarawan.
"I guess 'yun lang talaga, I know super cliche siya, but just to have a healthy life for all of us," pagbabahagi niya.
Patuloy niya, "Lagi naman naming ginagawa 'yon pero, you know, I've come to realize how important it is talaga to be healthy. Not only us, but [also] our loved ones, friends."
Present din sa It's Showtime studio ang anak ni Anne na si Dahlia Amelie.
Bukod dito, nakatanggap ng heartwarming surprise si Anne mula sa kanyang kaibigan nang paghandaan siya ng impromptu birthday celebration.
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related Gallery: The many times Anne Curtis proved she's a hot momma