
Aware daw si Anne Curtis sa mga nagba-viral videos nila ni Vice Ganda, kung saan mapapanood ang mga nakatatawa nilang banter at madalas ay lutang moments niya sa It's Showtime.
Sa ginanap na Thanksgiving media conference niya noong Huwebes, June 18, tinanong ng GMANetwork.com kung napaanood din niya ang video edits ng fans na tinatawag na “Vice-Anne Core”
“Kapag napapanood ko yun, pati ako natatawa,” sagot ni Anne.
Natatawang dagdag pa niya, “Ano na naman ba ang sinabi namin. It's like so funny and so nostalgic. Ang nakakatawa pa kasi, parang kapag nag-watch ka ng isa, yung algorithm mo is actually all of that. So, yun yung sinasabing Vice-Anne core.”
Ayon pa kay Anne, naging biruan na rin daw sa It's Showtime na sa tuwing papasok siya ay tiyak magkakaroon na naman ng bagong Vice-Anne core moment.
Aniya, “I'm happy that people still enjoy it, natutuwa pa sila. 'Tapos, kapag papasok ako, 'Ay, may bago na naman tayong makukuhang pang-core moments.'”
Sa loob mahigit na 16 years, hindi na raw nako-conscious si Anne at kanyang co-hosts sa It's Showtime. Sa katunayan, naging parte na ng programa ang pagkakaroon ng funny moments sa pagitan ng hosts nito.
“At that point, wala na kaming iniisip na conscious… conscious kami sa overtime. Pero other than that, enjoy lang kami,” pabirong sabi ni Anne.
Sa huli, muling sinabi ni Anne na ikinatutuwa niya ang pagbibigay saya sa mga manonood.
“It brings me so much happiness. You know, knowing that I'm able to make someone smile, someone laugh it brings me so much happiness. Dahil lang sa pagkalutang ko, naha-happy ang mga tao. To more lutang moments!”
Related gallery: The bardagulan moments in 'It's Showtime' awAAArdings