GMA Logo Anne Curtis
What's on TV

Anne Curtis, sasagutin ang plane ticket ng OFW na ama ng 'Tawag ng Tanghalan Kids' contestant

By Dianne Mariano
Published February 20, 2024 5:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis


Ibinahagi ng 'It's Showtime' host na si Anne Curtis ang kanyang blessings sa 'Tawag ng Tanghalan Kids' contestant na si Princess.

Isang heartwarming moment ang nasaksihan sa “Tawag ng Tanghalan Kids” ng It's Showtime nitong Lunes (February 19).

Isa sa mga contestant noong araw na iyon ay si Princess mula sa General Trias, Cavite. Matapos ang kanyang performance, hindi napigilan ni Princess na maiyak nang magbigay ito ng mensahe para sa kanyang ama, na nasa Dubai bilang overseas Filipino worker o OFW.

Isang regalo ang handog ng actress-host na si Anne Curtis para kay Princess. Ayon kay Anne, siya na ang magbabayad para sa plane ticket ng ama ni Princess.

“Alam mo Princess, bilang kakatapos ko lang mag-birthday, gusto kong i-share sa 'yo ang blessings ko… Oras na payagan na ang papa mo sa work [niya] na umuwi, ako na ang sasagot ng ticket niya.

“Bilang gift ko sa 'yo at bilang saludo ako sa mga OFW natin, sasagutin ko na 'yung ticket ng papa mo pauwi,” aniya.

Dagdag pa ng Filipina-Australian beauty, “We should always pay it forward, and I believe ang ating mga OFW dapat nating sinasaludo 'yan.”

Bukod dito, nagpasalamat din si Anne sa mga OFW na naki-celebrate ng kanyang kaarawan noong February 17.

“Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga OFW natin na naki-celebrate with me. Natutuwa nalang ako sa mga sinasabi ng mga tao sa mga post nila. Maraming salamat, nakakatuwa kayo,” pagbabahagi niya.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11: 30 a.m. at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.