
Ibinahagi online ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang fun moments kasama ang kanyang kapwa hosts sa noontime variety program na It's Showtime.
Sa Instagram, in-upload ng Filipino-Australian beauty ang kanyang stunning photos, pati ang kanyang kulitan moments kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.
"Missed my Showtime family. Always a crazy and fun time with this lot," sulat niya sa caption.
Noong Sabado (August 8), muling napanood si Anne sa It's Showtime at nakakulitan ang kanyang co-hosts.
"Welcome back! We're happy that you're here, we're complete," ani ng Unkabogable Star.
Sagot ni Anne, "Ang saya. Na-miss ko kayo, na-miss ko ang Madlang People."
Present din ang seasoned actress sa nasabing programa nitong Lunes (August 10) at naghatid ng saya at good vibes sa Madlang People kasama ang kanyang kapwa hosts.
Related gallery: Most stylish looks of 'It's Showtime' hosts
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.