
Masayang ikinuwento ng actress at television host na si Anne Curtis sa It's Showtime ang kanyang experience matapos ma-feature sa sixth issue ng British lifestyle magazine na Perfect Magazine.
Related content: The many looks of Anne Curtis that prove her beauty is timeless
Nakatanggap ng congratulatory messages ang Filipina-Australian star mula sa kanyang kapwa hosts at pinasalamatan niya ang mga ito.
Kuwento ni Anne, nagtungo muna siya sa London para sa shoot ng magazine bago umalis papuntang Amerika para sa kanyang concert noong nakaraang taon.
“'Di ba umalis ako nang saglit. Nag-London muna ako, 'yun 'yung shinoot. Nag-shoot lang ako bago ako nag-concert pero nakakakilig kasi 'yung mga kasabay ko doon sa covers is Bella Hadid, Linda Evangelista, Mark Ruffalo,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa ni Anne, “I hope I made you proud po as a Filipina.”
Ani naman ni Kim Chiu, “Ate Anne is the definition of perfect.”
Bukod dito, nagbigay rin ng congratulatory message si Anne para sa kanyang nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith para sa bago nitong serye na Asawa Ng Asawa Ko, kung saan katambal niya ang Kapuso actor na si Rayver Cruz.
“Congratulations, sestra. I'm so proud of you,” aniya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.