
Nagulat pero thankful umano ang aktres at It's Showtime host na si Anne Curtis na nasama sila ng asawang si Erwan Heussaff sa isang blind item na kung saan isang power couple umano ang nanganganib ang relasyon.
Matatandaan na kamakailan lang ay lumabas ang isang blind item kung saan inilarawan ang isang celebrity power couple na tila nanganganib na ang pagsasama. Ilan sa mga celebrity couple na inilista ng netizens ay ang DongYan o sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang DenJen o sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ni King of Talk Boy Abunda na isa sa mga celebrity couple na ito ay sina Anne at Erwan. Pag-amin naman ng aktres, hindi niya alam na kasama pala sila sa listahan.
“I didn't know. I knew the issue, pero I didn't know we were part of this. Ang taray naman ng power couple. I don't know if I would consider Erwan and I a power couple but thank you for considering us,” sabi ng aktres.
TINGNAN ANG FAMILY TRIP NINA ANNE AT ERWAN SA JAPAN SA GALLERY NA ITO:
Sabi rin ni Anne, sa tinagal niya sa entertainment industry at sa dami ng kontrobersiya na pinagdaanan niya, wala na siyang naging reaksyon sa isyu na ito.
“I still live by that same motto I came up with years ago; Learn the art of dedma. And don't stress about it because I feel like when you stress about things, and I'm speaking from experience, sometimes, it manifests in your body. So why would you do that to yourself?” sabi ni Anne.
Pagpapatuloy pa niya, sapat na ang ilang minuto na bigyan niya ng oras ang isang kontrobersiya ngunit pagkatapos nu'n, dapat i-let go na.
Inamin din ni Anne na nag-aaway naman sila ni Erwan ngunit madalas, hindi naman malaki ang pinag-aawayan nila at madalas, tungkol daw sa petty things lang ang mga ito.