
Ipinaliwanag ng Thai businesswoman at bagong may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip sa Fast Talk with Boy Abunda ang bagong rule sa Miss Universe pageant kung saan maaari nang sumali ang mga babaeng may anak, kasal, at maging transwomen.
Sa panayam ni Anne sa batikang TV host na si Boy Abunda, isa sa naging tanong ni Boy ay ang tungkol sa nasabing rule ng international pageant.
“Let's go with the new rules…some people like it, and some people don't. My question is, do you care?” tanong ni Boy kay Anne.
Agad naman itong sinagot ng pageant owner. Aniya, “I don't care and do we have to care? We have to care about them, not care about bashers, and negative comments.”
Ayon kay Anne, panahon na upang maging mas inclusive ang Miss Universe sa lahat ng kababaihan.
“Tito Boy, [in what] year are we now? [It's] 2023...social inclusion must be here now,” ani Anne.
Paliwanag pa ni Anne, ang pagbubukas ng Miss Universe pageant sa mga may-anak, kasal, at transwomen ay hindi nangangahulugan ng agad na pagkapanalo dahil mananatiling trabaho ng mga hurado ang pumili ng kandidatong kokoronahan.
Saad niya, “We have to be concerned about human rights if we have them in the competition, it doesn't mean that they [are] gonna win, it depends on the judges. We allow them to come in, we respect them, give them an equal chance, the opportunity, because we love to honor every woman.”
Samantala, gaganapin naman ang Miss Universe Philippines 2023 ngayong May 13. Ang sino mang mananalo ay siyang magiging kinatawan ng bansa sa nasabing international pageant.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
KILALANIN ANG MGA NAGING MISS UNIVERSE PHILIPPINES SA GALLERY NA ITO: