GMA Logo Annette Gozon Valdes
What's on TV

Annette Gozon-Valdes, inilaban si Alden Richards noon upang maging artista ng GMA

By Jimboy Napoles
Published July 10, 2023 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Annette Gozon Valdes


Ibinahagi ni Atty. Annete Gozon-Valdes na siya mismo ang naglaban noon kay Alden Richards upang mapasama sa mga talent ng GMA Network.

Proud na ibinahagi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes sa Fast Talk with Boy Abunda na siya mismo ang nakadiskubre sa Sparkle star at isa sa pinamahusay na aktor ngayon sa showbiz na si Alden Richards.

Kuwento ni Atty. Gozon-Valdes sa batikang TV host na si Boy Abunda, talagang inilaban niya noon si Alden upang mapabilang sa mga nakapasa sa screening ng magiging talent ng GMA Network.

Aniya, “May picture pa ako noon e, sa panel screening sa conference room lang tapos votation 'yun tapos paglabas, hindi siya kasama sabi ko, 'Bakit? E mataas siya, siya 'yung number one ko e,' [sabi nila] 'Sa amin kasi parang hindi, parang wala e.'”

Bago pa man mapansin ng publiko ang pagkakatulad ni Alden at ng seasoned actor na si John Lloyd Cruz, una na raw itong nakita ni Atty. Gozon-Valdes.

“Sabi ko, 'Hindi, nakikita ko sa kaniya, parang John Lloyd nga 'yan e,' 'yun pa 'yung sinabi ko nung time na 'yun.”

Dagdag pa ng Kapuso executive, nakitaan niya agad ng potential si Alden noon at natutuwa siya na hindi siya nabigo sa pagpili sa aktor.

“So nakita ko agad 'yung depth niya as an actor, ang ganda ng voice quality, malalim, so buti naman na parang I was proven correct 'di ba na talagang karapat-dapat si Alden sa showbiz.

“O, 'di ba? nagkaroon ng Alden Richards sa Philippine Showbiz,” ani Atty. Gozon-Valdes.

Kaugnay nito, sa ipinadalang video message ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda para kay kay Atty. Gozon-Valdes, nagpasalamat siya sa naging pagtitiwala at patuloy na suporta nito sa kaniya.

“I'm proud to say that I'm really grateful po sa inyo in particular kasi kayo po 'yung naka-discover sa akin during my first stages dito sa GMA,” ani Alden.

“I don't know what you saw in me but pinanghawakan ko po 'yun, that was my motivation to keep on going and maraming salamat po for trust and everything,” patuloy ng aktor.

Pagbabahagi pa ni Alden, “With all the projects that we've done, specially now, moreover being a talent of the network, we're now business partners in producing content. So maraming maraming salamat po for the opportunity and I hope malayo pa po ang pagsamahan nating dalawa and thank you so much po for everything. Thank you po, ma'am.”

Samantala, mapapanood naman sina Atty. Gozon Valdes at Alden sa Battle of the Judges kasama sina Boy, Bea Alonzo at Jose Manlo, ngayong July 15.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.