GMA Logo Annette Gozon Valdes
What's on TV

Annette Gozon-Valdes on her work relationship with GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon: "Walang anak-anak sa kaniya"

Published July 10, 2023 9:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Annette Gozon Valdes


Inilarawan ni Atty. Annette Gozon-Valdes kung paano katrabaho ang kaniyang ama na si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

“Walang anak-anak sa kaniya.”

Ganito inilarawan ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kaniyang working relationship sa kaniyang ama na si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Inside link:

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/fast_talk_with_boy_abunda/103378/annette-gozon-valdes-inilaban-si-alden-richards-noon-upang-maging-artista-ng-gma/story

Kuwento ni Atty. Gozon-Valdes sa Fast Talk with Boy Abunda, pareho lamang ang pakikitungo ni Atty. Gozon sa kaniya at mga empleyado ng GMA.

Aniya, “He treats me like he treats everyone.”

Dagdag pa niya, “Very fair yan, kaya niya akong sigawan, kaya niya akong pagalitan, walang anak-anak sa kaniya.”

Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ng Kapuso executive ang marami pang mga nakapila na collaboration ng GMA at ng media partners nito kabilang ang ABS-CBN.

Pagbabahagi niya, “Marami pa. Actually we're working on more collaborations with our partners including ABS-CBN. So excited ako doon, but of course hindi pa namin ma-reveal, pero meron in the works.”

Samantala, mapapanood naman si Atty. Gozon-Valdes bilang isa sa judges ng reality talent search competition na Battle of the Judges kasama sina Boy Abunda, Bea Alonzo, Jose Manalo, at Alden Richards bilang host.


Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.