
Raymart reveals he is into skydiving these days.
Sa pagbisita ni Raymart Santiago sa Sarap Diva, ibinahagi niya ang kanyang bagong pinagkakaabalahan outside showbiz.
Kuwento ni Raymart, abala siya ngayon sa isang extreme sport.
Aniya, "Well, nahihilig ako ngayon sa skydiving."
Sa kanyang pagkakagusto sa skydiving, nagdesisyon umano si Raymart na magbukas ng isang negosyo para sa mga nais sumubok nito.
"Meron akong binuksan sa Vigan, Skydive Greater Vigan."
Kuwento ng Hanggang Makita Kang Muli actor, sa mga baguhan lamang sa extreme sport na ito, maaari pa rin nilang subukan ito kasama ang isang guide. "'Yung mga gustong mag-tandem, 'yung mga aangkas sa likod." pahayag ni Raymart.
Dagdag ni Raymart, ang Skydive Greater ay nagbukas rin ng isang branch sa Cebu.
READ: Raymart Santiago, saludo kay Bea Binene