
Marami nang naging project si Jen, at hindi siguro maiiwasan na minsan ay hindi okay ang vibes sa set. Kaya naman sa Facebook live for ArtisTambayan naging curious ang fans ni Jennylyn Mercado kung ano ang ginawa ng aktres kapag mainit ang ulo ng kaeksena niya.
Aniya, "Hindi ko pinapansin, kasi baka [ako mapagbuntungan ako] ng init ng ulo. Pabayaan mo lang, tapos pagkalma na siya, tsaka mo na kausapin."
Mukhang may "hugot" naman si Gil sa sinabi ni Jen. Ika niya, "Diba, Jen, 'di ba?" Hindi naman niya sinabi kung sino or ano man ang tinutukoy niya.
Kung good vibes sa taping naman ang pag-uusapan, naikuwento ni Jen na very happy siya na makaeksena si Rhian Ramos.
Paliwanag niya, "Sa totoo lang ang saya ng mga eksena namin [ni Rhian.] Kasi ang sarap ng mga scenes na parang nakakaloka lang. Enjoy kaming gawin 'yung mga eksena kasi ano siya, magaan, nakakatawa. 'Tsaka masarap din 'yung feeling pag may nanonood na natatawa."
Isa sa mga eksena nila ni Rhian ang patalbugan ng modeling skills sa wedding ng kaibigan nina Steffi at Rachel na dapat nating abangan.
Abangan ang mga iconic scenes ng My Love From The Star sa GMA Telebabad!
Photos by: @mercadojenny(IG)