Celebrity Life

Ano ang ginagawa ni Ryza Cenon para sa street children tuwing Pasko?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 8, 2020 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



"For me magical 'yung nagpapasaya ka ng ibang tao tuwing Pasko." - Ryza Cenon


Christmas is just around the corner kaya't naghahanda na ang ilang mga Kapuso stars para sa kanilang mga nakagawian tuwing Pasko. Isa na diyan si Ryza Cenon na excited nang magdiwang ng Pasko sapagka't mayroon siyang isang espesyal na tradisyon.

Aniya, "Every Christmas, ang ginagawa ko talaga is nagluluto or bumibili ako ng food tapos namimigay ako sa streets."

May ilang taon na din daw itong ginagawa ni Ryza.

"Simula nang mag-start ako mag-artista, 'yun na 'yung ginagawa ko. Kasi siyempre mag-isa lang ako sa bahay so imbes na magluto ako for myself, nagluluto ako for everybody doon sa street," sambit ng aktres.

Gusto daw niya itong ginagawa dahil sumasaya siya kapag nakikita niya ang mga ngiti ng mga taong tinutulungan niya.

Ayon kay Ryza, "For me magical 'yung nagpapasaya ka ng ibang tao tuwing Pasko. Lalo na pag nakikita mo na kahit simpleng bagay lang 'yung binbigay mo, parang magic na napapa-smile mo sila."

Ngunit para sa kanya, ano naman kaya ang wish niya this Christmas?

"Wish ko lang, more blessings and sana mas marami akong matulungan ngayong Pasko."

Mabuhay ka, Ryza!

MORE ON RYZA CENON:

Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon, magsasama-sama sa isang teleserye 

Ryza Cenon, thankful na mapabilang sa pelikulang "Ang Manananggal sa Unit 23B" 

WATCH: Ryza Cenon and Martin Del Rosario star in a dark and sexy film, "Ang Manananggal sa Unit 23B"