
These girls have something in common: they are young, beautiful, and successful. Ano kaya ang kanilang ginagawa tuwing walang trabaho?
Si Kapuso Millennial It Girl Gabbi Garcia, quality time ang habol sa day off, “I balance my time by spending time with my family or with my friends, and also meron din akong alone time which is going to the gym. Ngayon, [kinahihiligan] kong mag-boxing.”
Homebody naman ang baguhang Kapuso star na si Jasmine Curtis Smith, “Tambay sa bahay [at] nanonood ng mga pelikula, TV series. Mahilig lang akong makipaglambingan sa aso ko.
Samantala, aspiring chef naman si Asia’s Fantasy Kim Domingo at naihain na niya ang “Patikim ni Kim” sa kanyang mga paboritong tao, “Masaya ako na sine-serve ko siya sa mga mahal ko sa buhay tapos bonus pa kapag nasarapan sila doon sa niluto ko.”
Si Phenomenal Star Maine Mendoza, halos araw-araw nagtatrabaho kaya spa at shopping ang activities kapag mayroong free time, “Retail therapy, nag-oonline shopping, parang reward ko na rin iyon sa sarili ko in a way for hard work sa pagtatrabaho ko every day.”
Ikaw Kapuso, ano ang ginagawa mo tuwing day-off?