
Tatlo bagong Kababol ang maghahatid ng good vibes sa ating every Sunday night at tiyak na aabangan n'yo linggo-linggo sa Bubble Gang.
Pasok bilang cast member ng flagship gag show sina versatile TV-movie actor EA Guzman, vlogger-comedian Buboy Villar, at Sparkada beauty Cheska Fausto.
Para sa ace comedian at content creator na si Michael V., mahalagang katangian para sa kaniya upang mapabilang sa Bubble Gang cast ang pagiging mahusay na aktor.
Paliwanag niya, “Kung ako magiging part nung paghahanap ng talent for Bubble Gang, kailangan magaling na artista.”
“That's number one for me, kasi, hindi pagpapatawa lang kasi ang comedy. A good chunk of it is acting, so as long as you are confident doing characters at tsaka being someone else other than yourself, I think that's a good sign.
“That's a plus talaga pagdating sa pagpasok mo sa show.”
Bukod kina Bitoy, EA, Buboy, at Cheska, kasama rin sa stellar cast ng Kapuso gag show sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Analyn Barro, Betong Sumaya, Kokoy de Santos.
Panalo kayo sa umaatikabong tawanan sa Bubble Gang tuwing Linggo sa oras na 6:00 pm at para sa Kapuso abroad, puwede n'yo rin mapanood ang comedy program via GMA Pinoy TV.
MOMENTS CAUGHT ON CAM DURING THE 'BUBBLE GANG' PICTORIAL: