What's on TV

Ano ang ikinalulungkot ni Alden sa ‘Bet ng Bayan’?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 9:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Paano ito hina-handle ni Alden?
By AEDRIANNE ACAR


 
All roads lead to the Bet ng Bayan Grand Finals Pilipinas Showdown sa Mall of Asia Music Hall sa darating na December 28.

At kahit naka-holiday mode na ang marami sa 12 finalists, ready pa rin silang maglalaban-laban para masungkit ang isa sa mga titulo na maging bet sa kantahan, sayawan at kakaibang talento.

Pero para sa Kapuso leading man at host na si Alden Richards, may isang malungkot na aspekto ang pagiging parte niya sa isang talent search competition.

Pag-amin ng binata sa isang panayam, hindi raw niya minsan maiwasang malungkot kung minsan kapag hindi nananalo ang mga bet niya.

Ani Alden, “Although ang hirap din po kasing mag-decide, it’s between ano ba ang ipapanalo mo since this is a talent reality search (at) talagang naghahanap po kami ng talents that we can showcase po and that the Philippines would be proud of them.”

Dagdag pa ng aktor, may ibang contestants na dumaraan sa matinding pagsubok at tila ang Bet ng Bayan marahil, sa tingin nila, ang susi para sa magandang buhay na inaasam nila.

“Actually everyone po naman is deserving although ‘yung iba talaga may matinding pangangailangan. Makikita nyo po sa VTRs nila before they perform na ‘yung iba walang bahay nakikitira kung kani-kanino, kung sino-sino ‘yung kumukupkop.”

Pero at the end of the day, the judges’ decision pa rin ang masusunod at naniniwala si Alden na ang lahat ay may tamang oras na dapat tandaan ng mga contestant na hindi pinalad manalo.

“So in terms of that masakit siya, personally, kasi ako po ‘yung umiikot sa buong Pilipinas to know their personal lives. Then nami-meet ko 'yung parents and then ang hirap po kasi siyempre pag natalo wala na po akong say, although minsan mayroon pong instance na sayang dapat nanalo ‘to.”

“It’s still up to the judges’ decision. Siguro they saw something na puwede pang mag- work on that talent na ipinanalo nila,” ani Alden.

“At the end of the day, it’s still a talent search so siguro doon sa mga hindi nakuha better luck next time and siguro hindi pa nila time,” dagdag niya.