
Patindi nang patindi ang mga tagpo sa I Can See You: Love On The Balcony dahil ngayong gabi, October 1, ay aamin na si Lea Carbonel kay Iñigo Mapa tungkol sa pagtulong niya sa pasyente niyang si Connie Mapa.
Si Connie ang ina ni Iñigo na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapatawad.
Upang tulungang magkabati ang mag-ina, ginawa ni Lea ang lahat ng kanyang makakaya para muling maiparamdam kay Iñigo ang pagmamahal ng kanyang ina.
Ano kaya ang maging reaksyon ni Iñigo sa pagtatapat niyang ito?
Tunghayan ang mga kapana-panabik na tagpo sa pagitan nina Lea, Iñigo at Connie sa I Can See You: Love On The Balcony sa GMA Telebabad, ngayong gabi, October 1, pagkatapos ng Encantadia.