Article Inside Page
Showbiz News
Lalong tumitindi ang mga eksena sa nangungunang Afternoon Prime soap na 'The Half Sisters'. Ano na kaya ang lagay ng mga sinusubaybayan ninyong characters?
By AL KENDRICK NOGUERA
Lalong tumitindi ang mga eksena sa nangungunang Afternoon Prime soap na T
he Half Sisters. Ano na kaya ang lagay ng mga sinusubaybayan ninyong characters?
Diana: The Victim
Wala na yatang titindi pa sa pinagdaraanan ngayon ni Diana. Hindi na guminhawa ang buhay niya dahil kung kailan niya nalamang siya ang tunay na anak ni Benjie, saka naman siya iniwan ng kanyang ama. Lalo pang gumuho ang kanyang mundo nang mamatay ang tanging kakampi niya na si Lupita. Kayanin kaya ni Diana na bumangon nang mag-isa?
Ashley: The Evil Half
Hanggang ngayon ay sarili pa rin ang iniisip ni Ashley. Nahawa na siya sa amang si Alfred kaya’t puro paghihiganti na lamang ang nasa kanyang utak. Kailan ma’y hindi niya minahal ang kakambal na si Diana bagkus siya pa ang isa sa mga nagpapahirap sa buhay ng kapatid. Kailan matatauhan si Ashley sa kanyang kasamaan?
Rina: The Phoenix
Malayong-malayo na ngayon ang personalidad ni Rina Alcantara matapos siyang bigyan ng pagkakataong maging palaban ni Doña Elizabeth. Ngayong nakakakita na siyang muli, hindi na siya papayag na api-apihin ng asawang si Alfred. Pinangalanan siyang Alexa Robbins ni Doña Elizabeth kasabay ng kanyang malaking pagbabago. Uumpisahan na ba ni Rina ang paghihiganti kay Alfred?
Doña Elizabeth: The Redeemer
Isang anghel ang dumating kay Rina nang makilala si Doña Elizabeth. Siya ang kumupkop at nagpa-opera sa mga mata ni Rina. Tutulungan niya itong makamit ang hustisya laban kay Alfred at siya ang magiging tulay para mabuo ang pamilyang Valdicaña. Ano ba talaga ang pakay ni Doña Elizabeth?
Alfred: The Bringer of Darkness
Hindi na tinatamaan ng kunsensiya si Alfred. Kinaya niyang pumatay para lamang maging maayos ang buhay nila ng anak na si Ashley. Siya ang dahilan kung bakit nawawala si Benjie at pinatay niya si Lupita. Makaya niya kayang ipagtanggol ang sarili kapag nagkampi-kampi na ang kanyang mga inaapi?
Abangan ang sagot sa mga tanong na ‘yan sa
The Half Sisters, weekdays after
Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.