What's on TV

Ano ang mabahong problemang haharapin nina Pepito at Elsa ngayong Sabado?

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 30, 2020 6:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki ang problema ng mag-asawang Manaloto dahil may dalang hindi kanais-nais na amoy ang mga bisita nila sa bahay.


Malaki ang problema ng mag-asawang Manaloto dahil may dalang hindi kanais-nais na amoy ang mga bisita nila sa bahay.

Pansamantala kasing nakitira ang pinsan ni Elsa na sina Ethel at asawa nitong si Charlie sa kanilang tahanan. Ang kaso, si Charlie may putok na hindi masikmura nina Elsa at Pepito.

Paano nila kaya kokomprontahin si Charlie at mawawala ang umaalingasaw nilang problema?

Babalik naman sa buhay ni Baby ang ex-boyfriend niya na si Toto na naghahanap na ng taong ihaharap niya sa altar. Kaya naman irereto ng kasambahay si Maria na unti-unti naman mahuhulog ang loob kay Toto.

Todo selos naman si Baby sa atensyon na natatanggap ni Maria mula kay Toto. Si Toto ba ang magiging dahilan ng pagkakasira ng samahan ng mga kasambahay ni Pepito?

Unang Sabado ng Hulyo kaya gawin memorable ang inyong weekend at manood ng kinahuhumalingan niyong sitcom ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa darating na July 2 pagkatapos ng 24Oras Weekend.  

More on PEPITO MANALOTO:

'EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

'Co-stars ni Arthur Solinap sa 'Pepito Manaloto' todo suporta sa kanyang engagement

Julie Anne San Jose, parte ng creative team ng 'Pepito Manaloto?