
Kapansin-pansin ang tattoo ni Kim Domingo sa kanyang pulso. Nakasulat dito ang salitang "strength." Ano kaya ang nag-udyok kay Kim na magpa-tattoo?
Kuwento ng aktres, isa itong reminder na kahit mahirap ang pinagdadaanan or pagdadaanan niya, kakayanin niya. Dito rin siya huhugot ng lakas.
Paliwanag ni Kim, "Kumbaga kahit ano'ng pinagdaanan ko noon, nandun 'yung strength ko na hindi ako sumuko sa buhay. So, pina-tattoo ko talaga."
Pero may pinagdadaanan ba si Kim ngayon? Ika niya, "Ah, wala, wala naman."
Dagdag pa niya, masaya naman daw siya ngayon at nagsisilbi lang ang tattoo bilang isang paalala sa aktres.