GMA Logo My Husband in Law
What's Hot

Ano ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng 'My Husband in Law?'

By EJ Chua
Published March 15, 2022 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

My Husband in Law


Ano ang mga dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng 'My Husband in Law?'

Sa nalalapit na pagtatapos ng pinakakikiligang Thai romantic drama series na My Husband in Law, mas kapana-panabik na mga eksena ang mapapanood ng mga Kapuso.

Kapansin-pansin na tuluyan nang nahulog ang loob ni Tien (Mark Prin Suparat) kay Moi (Mew Nittha Jirayungyurn) at tila hindi na niya alam ang gagawin sa kanyang nararamdaman.

Kasunod nito, nalaman pa ni Tien mula sa kanyang ina na si Nancy ang buong katotohanan tungkol sa ginawa ni Moi noong nahulog ang sasakyan niya sa isang ilog habang hinahabol siya ni Oliver.

Labis itong dinamdam ni Tien dahil hindi niya inaasahan na kayang isakripisyo ni Moi ang sarili niyang buhay para lamang sa kanyang kaligtasan.

Moi and Nancy's secret

Upang makabawi kay Moi, tila buo na ang loob ni Tien na palayain na ang kanyang asawa para naman sa mga pansarili nitong interes at pangarap.

Napagdesisyunan ni Tien na sa ngayon ay mas mahalaga ang kaligayahan ni Moi kaysa sa mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Kaya naman dapat abangan ng mga manonood kung ano nga ba ang magiging ending ng love story nina Tien at Moi.

Huwag palampasin ang mga tagpo sa huling tatlong gabi ng My Husband in Law, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: