Celebrity Life

Ano ang mga mamahaling gift na natanggap ni Gabbi Garcia sa kaniyang debut?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 11:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Samu't-saring regalo ang natanggap ng Kapuso Princess mula sa 18 Treasures sa kaniyang debut. Anu-ano kaya ito?


Ika nga ng mga matatanda, "Kapag may tiyaga, may nilaga." Kaya't matapos magsikap ni Gabbi Garcia sa kaniyang showbiz career, todo-buhos naman ang mga biyaya na kaniyang natanggap.

Kagabi, December 6, samu't-saring regalo ang natanggap ng Kapuso Princess mula sa 18 Treasures sa kaniyang debut.

Ang regalo ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay isang pair of heels dahil alam niya na mahilig ito sa fashion.

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com

Niregaluhan naman ng condenser microphone si Gabbi ng kaniyang bestfriend na si Mikee Quintos dahil sa kaniyang hilig sa musika.

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com
 

Para kay Encantadia director Mark Reyes V naman, isang simpleng bangle na mayroong tatlong charms ang kaniyang ibinigay na sumisimbulo ng mga katangian na nakikita ng direk kay Gabbi.

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com
 

Ang iba pa niyang natanggap na regalo ay isang bibliya from Annette Gozon, party clothes from Marivin Arayata at ukulele from Regie Magno.

Ngunit ang pinaka-bonggang gift na natanggap ni Gabbi sa gabing iyon ay ang kaniyang "19th Treasure" na mula pa sa kaniyang parents na sina Vince and Tes Lopez at iyon ay isang car!

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com
 

"Na-touch ako kasi napag-uusapan lang namin 'yon para for taping-purposes. This night, nabigay sa akin ng parents ko, so sobra po akong masaya," ani Gabbi matapos niyang matanggap ang kaniyang gift.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago below:

Video from GMA News

MORE ON #SINCERELYGABBI:

'Encantadia' star Gabbi Garcia, gusto na magpaalam sa pa-tweetum roles 

IN PHOTOS: 'Encantadia' stars attend #SincerelyGabbi 

IN PHOTOS: Showbiz power couples na mas lalong nagpaningning sa 18th birthday party ni Gabbi Garcia