GMA Logo Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento
What's on TV

Ano ang mga mangyayari sa Pamilya Manaloto on June 18?

By Aedrianne Acar
Published June 17, 2022 3:02 PM PHT
Updated June 17, 2022 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento


Heto ang pasilip sa Saturday episode ng 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.'

Matapos sila tumira sa probinsya, panay ang kulit ng TV producer na si Mr. Camino (Jose Manalo) kay Pepito (Michael V.) para sa new season ng kanilang reality show.

With a new setup para sa kanilang show, nakilala nina Elsa (Manilyn Reynes), Chito (Jake Vargas), at Clarissa (Angel Satsumi) ang one-woman team na si Gidget na kukuha ng mga footages ng Manaloto family.

Maging smooth-sailing kaya ang trabaho nito kasama ang mga Manaloto at tauhan sa kanilang mansyon?

At mukhang may matinding tampo ang kapitbahay ni Elsa na si Mimi (Nova Villa) sa kaniya. Sa tuwing gusto makita ni Mimi ang misis ni Pitoy ay hindi naman ito napapansin.

Paano kaya mapapalambot ni Mrs. Manaloto ang puso ng nagtatampo niyang neighbor?

Masarap uli ang tawanan sa second episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento directed by the one and only award-winning Kapuso star Michael V. with their talented special guests Jose Manalo, Arra San Agustin, at Charm Aranton.

Manood uli ng masayang adventure ng Manaloto fambam, bukas ng gabi January 18 sa high-rating Kapuso sitcom, tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!