What's Hot

Ano ang mga peligrong dulot ng pagkalulong sa mobile games?

By Bianca Geli
Published June 2, 2019 5:05 PM PHT
Updated June 2, 2019 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News



Paglalaro ba ng mobile games ang naging sanhi ng malubhang karamdaman ng mga lalaking ito?

Ipinakita sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang storya ng dalawang binatang tila nalulong sa paglalaro ng mobile games.

Si Aries Mendoza, apat na araw daw hindi halos hindi nakatulog sa kakalaro ng mobile games. Tatlong oras lang daw ang tulog niya, at wala rin daw ganang kumain.

Aniya, “Hindi po talaga ako nakakaramdam ng antok. Apat na araw na po akong gising. Meron po akong tulog don, tatlong oras lang po."

Ayon sa isang sleep specialist, nakaapekto raw ang paglalaro ni Aries sa kaniyang kawalan ng tulog.

Mayroon daw tayong lahat internal clock o circadian rhythm na nagsasabi kung kailan matutulog at magigising.

Sa kaso ni Aries, ang kaniyang pagkapuyat ay dahil sa palagiang laro at exposure sa blue light mula sa devices na nakakabawas produksyon ng Melatonin hormone na nagdudulot ng antok.

Mainam daw na magkaroon ng sariling schedule ng pagtulog at paggising at bawasan na ang paggamit ng devices at least two hours bago matulog.

Iwasan din daw ang paginom ng kape o energy drinks malapit sa oras ng pagtulog.

Sa isang Facebook post naman nanawagan ng tulong si Michael Tumagan, isang binata na dating masigla at mahilig sa mobile games.

Sa loob ng dalawang taon ng paglalaro ay hindi natutulog nang maayos at nakakakain nang maayos si Michael hanggang unti-unti na itong nagkasakit. Hanggang sa ma-diagnose siya na may cancer nitong 2018.

"Sa totoo lang po, 'di ko po maiwasan ang emosyon ko. Kasi marami na po nadamay na organs. Hindi na rin po ako makagalaw," sabi niya.

Ayon sa doctor ni Michael, genetic o namana ni Michael ang kaniyang sakit na Stage 4 Rectosigmoid Adenocarcinoma.

Hindi man dahil sa paglalaro ang sakit, hindi napansin ni Michael agad ang kaniyang mga sintomas dahil sa pagkaabala sa mobile games.

Ilang gamers naman ang nagpakita ng kanilang pagkadisiplinado sa paglalaro pati na rin sa pagtigil sa paglalaro kapag kinakailangan.

Panoorin ang kanilang buong storya sa Kapuso Mo, Jessica Soho: