
Kakaiba ang tambalang Adrian Alandy at ng newbie actress na si Jo Berry para sa upcoming GMA drama na Onanay.
Ano kaya ang naging reaksyon ni Adrian nang malaman na si Jo ang makakaparehas niya?
Aniya, “Nung binanggit na siya 'yung makaka-work, pinag-workshop kami. I think March 'yung nag-workshop kami. We got to know each other, siyempre nung una nahihiya hiya siya, may wall siya 'nun eh.
"Coming from someone na hindi naman lumaki sa showbiz, biglang sasabak sa ganun…so nag-workshop muna kami. Kaya nung nag-eksena na kami, naging madali na ang lahat. Medyo nahihirapan lang siya kapag sobrang mabigat 'yung drama kasi happy person si Jo eh. Magaan kausap, magaan kasama.”
Unti-unti na rin daw silang nagkakakilala ng co-star at magaan daw ang loob niya rito.
“Behind the scenes makulit siya talaga, mahilig mag-biro. Mapagbiro siya, kalog, tsaka mahilig sa matatamis.”