
Sa press conference ng 'Meant To Be,' naitanong kay Ivan kung ano ang dahilan ng paglipat niya sa GMA.
Sa interview with the press ng cast ng Meant To Be, natanong si Ivan kung ano ang dahilan ng paglipat niya sa GMA.
Sagot naman ng aktor, “Umm, so, sa totoo lang. Tinapos ko naman lahat ng obligations ko sa “number two station.””
Naikuwento naman ni Ivan ang pagbalik din niya sa kanyang hometown sa Los Angeles. Aniya, “Actually, nawala po ako sa bansa ng three years. Tinapos ko ‘yung kontrata ko [sa kabila], [then] bumalik naman ako sa amin sa LA. Naging regular na tao po ulit ako, nakisama sa pamilya ko, kumuha po ako ng day job, pumasok na rin po ako sa school, nakapag-aral na rin po ako sa ibang school sa amin sa LA.”
Ika pa niya na ang kaibigan niya sa showbiz ang nagkumbinse sa kanya na bumalik sa Pilipinas. Ani ng aktor, “And, ayun, nung umuwi ng isang kaibigan ko para mag-tour sa West Coast para sa show nila. Niyaya niya ako bumalik sa showbiz.”
Dahil sa pag-uusap na ‘yun, naisip ni Ivan na gusto na niya ituloy ang showbiz career niya rito sa bansa.
Paliwanag niya, “Yes po, ang plano ko, balak ko magmarka ulit sa Pilipinas. Nagpaisip din sa akin ‘yung kaibigan ko na meron pa talaga akong i-pu-pursue dito. So, ayun, pagdating ko, umikot naman ako sa may mga offer sa akin, and ang GMA ang may pinakamagandang offer sa akin.”
Comment naman ng isang reporter, “Okay, that’s good.”
Sagot agad ni Ivan, “It’s great.”
MORE ON 'MEANT TO BE':
Ivan Dorschner at Addy Raj, Kapuso na!
Jak Roberto at Ivan Dorschner excited sa bago nilang project sa GMA
Barbie Forteza to Jak Roberto: “Wag ka kasing torpe”