
Katulad ng ama, papasukin na rin ba ni Jimuel ang mundo ng showbiz?
Tila sinusundan ni Jimuel Pacquiao ang yapak ng kanyang ama na si Manny Pacquiao hindi lang sa pagiging isang endorser kung hindi pati na rin sa pagiging generous sa ibang tao.
Nakapanayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras si Jimuel sa kanyang press launch bilang bagong endorser ng Blue Water Day Spa.
LOOK: Jimuel Pacquiao is the newest endorser of a spa center
“I feel blessed naman na I get chosen to endorse the products and spa. I feel blessed and thankful,” sambit ni Jimuel.
Dahil nagiging in demand na siya bilang endorser, naitanong din sa binatilyo kung papasok na rin ba siya sa showbiz.
Aniya, “Right now, I probably wouldn’t go to, say yes to any show business since I’m still a student. [I want to] focus on school.”
Supportive at proud sa kanya ang kanyang magulang na sina Manny at Jinkee Pacquiao, ngunit may mga produkto raw siyang hindi puwedeng iendorso.
“Against our belief as a Christian like liquor. Hindi siya puwede mag-endorse ng liquor, cigarette, casino. Bawal,” paliwanag ni Manny.
Ikinuwento rin niya kung paano nagmana sa kanya ang anak sa pagiging mapagbigay.
Wika niya, “Noong kumita siya dito, shinopping niya kaagad ‘yung mga pinsan niya. Tapos nag-shopping siya ng marami and binigay niya doon sa pinsan niya, mga best friend niya na walang gamit o ano man.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON JIMUEL PACQUIAO:
#BeforeAndAfter: The transformation of Jimuel Pacquiao
LOOK: The Pacquiao brothers are the new endorsers of a popular clothing brand