
Dahil napag-usapan ang kanyang love life, hindi naiwasan ng entertainment press na tanungin si Bea Binene kung nagkita na ba sila ni Inah de Belen, ang present girlfriend ng kanyang ex na si Jake Vargas.
LOOK: Sweetest photos of Jake Vargas and Inah de Belen
"Nagkita po kami matagal na po. Siguro 'yung folio shoot ng Artist Center a year ago. Nagpakilala po ako kasi first time namin nag-meet. 'Hi, I'm Bea' ganun," kuwento ng aktres sa media conference ng kanyang upcoming daytime series na Kapag Nahati Ang Puso.
Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Bea at Jake, na dati ring magka-love team bago nagkaroon ng relasyon. Kaya para sa dalaga, wala na daw issue sa kanilang dalawa.
"Siguro kung may nag-i-issue po ay ewan ko na lang sa kanila. At parang antagal na. Siguro naman nag-move on na ang mga tao. Kung ano man ang mga nangyari before, naka-move on na, okay na."