sa sa mga kinagigiliwang tauhan sa Alyas Robin Hood ay si Frida, ang madalas kasa-kasama ni Venus, na ginagampanan ng character actress na si Anne Garcia.
WATCH: Alyas Robin Hood: Frida to the rescue | Episode 68
Dahil sa kanyang mga nakakatuwang hirit ay naging paborito siya ng mga manonood. Kaya naman sa Instagram ni Anne ay nag-post siya tungkol sa isang karanasan sa MRT.
"Habang nakapikit ako na bumabiyahe sa MRT biglang may nag-abot sa akin ng sulat. Noong una akala ko nagbebenta o humihingi ng donation. Pero nung binuksan ko 'yung papel nagulat ako at napangiti. Hinanap ko 'yung nag-abot dahil kamay lang n'ya ang nakita ko. Bukod sa nakapikit ako medyo madaming pasahero," panimula ng aktres sa kanyang caption.
Kuwento pa niya, "Pagkalipas ng ilang minuto nabawasan na ng pasahero at nakita ko siya na halos katapat ko. Nakatingin at nakangiti sa akin. Nagpasalamat ako kay Ate. Nakakatuwa dahil nagtiyaga si Ate na magsulat at makipagsiksikan para lang maibigay sa akin ang sulat n'ya. Maraming salamat, Ate!"
MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':
Alyas Robin Hood: Beau-con ladies | Episode 82
Alyas Robin Hood: Walang wala | Episode 82