
Sa isang surprise celebration nakasama ni Ken ang mga Golden Gays at sinabi niyang isa itong "nakaka-inspire na regalo."
By GIA ALLANA SORIANO
In an exclusive interview with GMAnetwork.com, ‘Destiny Rose’ star Ken Chan talked about the lesson he learned after chatting with the members of the Golden Gays group.
He narrated, “Ang dami, ang dami kong napulot na aral. Meron isa doon si Rica, sweeper siya. Talagang nakakatuwang isipin na nag-effort sila pumunta doon sa event at talagang nakapostura talaga sila na parang Destiny Rose.”
Ken then recalled what Rica told him: “Alam mo ba, Ken, itong sapatos ko, dahil wala akong sapatos, humanap talaga ako sa basurahan ng sapatos. Buti nalang nakakita ako para sayo.”
The gesture touched the 23-year-old actor’s heart, he exclaimed: “Alam mo yun, little things na, sobrang nagpasaya sa akin na ang dami kong natutunan sa kanila."
Ken enumerated his realizations: "Hindi mo kailangan maging mayaman para maging masaya. 'Yun 'yung nakita ko, hindi naman nila directang sinabi sa akin, pero 'yun ang naramdaman ko. Hindi mo kailangan ng magarbong buhay para maging masaya. Mas magiging masaya [ka] kung magkakaroon ka na lang ng simpleng buhay. Yun yung naging gist, naging buod ng pagkakakita ko sa kanila.”
READ: Ken Chan, sinorpresa ng Golden Gays sa kanyang birthday celebration
READ: Ken Chan celebrates birthday in Cebu