What's on TV

Ano ang online raket ni Matilda ngayong may pandemic? | Teaser

By Aedrianne Acar
Published July 9, 2020 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI identified 20 steel plants making substandard, radioactive steel
Carlos Yulo looks beyond his double Olympic Gold medals
Jong Madaliday, may toyo ang Chicken Pastil?! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl episode teaser on July 11


Papayag kaya si Barak (Vic Sotto) na gawing model ni Matilda (Wally Bayola) ang kanyang anak? Sundan ang fresh episode na ito na handog ng sitcom na 'Daddy's Gurl' sa July 11.

Kanya-kanya ang raket ang lahat kung papaano kikita ngayong may COVID-19 pandemic.

Itong si Matilda (Wally Bayola), busy sa mga kakaiba niyang face mask na binibenta niya sa kanyang online business.

Pumayag naman kaya ang Batangueño dad na si Barak (Vic Sotto) na mag-model si Stacy (Maine Mendoza) ng binibenta ni Matilda?

Health is wealth ngayong may pandemic, kaya itong sina Stacy at Daboy (Kevin Santos) todo workout with their online fitness coach na si Judy Yap.

Mapanindigan kaya ng dalawa ang page-ehersisyo with their sexy trainer?

Mawo-work out ang panga n'yo sa kakatawa sa Sabado ng gabi, dahil special guest sa Daddy's Gurl ang dancer-turned-comedienne na si Lovely Abella!

Tunghayan ang kulitan at tawanan with Barak at Stacy pagkatapos ng #MPK sa oras na 9:15 P.M..