GMA Logo Jay Arcilla
What's on TV

Ano ang opinyon ni 'Pepito Manaloto' star Jay Arcilla sa dumadaming artista ng Kapuso Network?

By Aedrianne Acar
Published July 19, 2021 11:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jay Arcilla


Loyal sa Kapuso Network for six years ang 'Pepito Manaloto' star na si Jay Arcilla.

Anim na taon nang talent ng GMA Artist Center ang former StarStruck contestant na si Jay Arcilla. At kamakailan lang ay na-renew uli ang kontrata ng aktor sa talent management arm ng Kapuso Network.

Bongga rin ang buwan ng Hulyo para kay Jay, matapos ipakilala bilang isa sa mga bida ng prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na nag-premiere noong Sabado, July 17.

Inusisa namin si Jay tungkol sa saloobin nito sa dumadaming talents ng GMA Artist Center.

Matatandaan na pumirma kamakailan bilang contract stars ng Artist Center sina Pokwang at Luke Conde na galing sa kabilang network.

Pinag-usapan din ng husto ang pag-pirma ng kontrata nina Bea Alonzo at Johnny Manahan (mas kilala sa tawag na Mr. M) sa Kapuso Network.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa Pepito Manaloto heartthrob, umamin ito na may pressure ang pagdating ng mga bagong artista, pero mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagkakataon na matuto mula sa mga ito.

Paliwanag ni Jay, “For me excitement na may konting pressure din siyempre. Na-excite ako kasi bago 'yun, may bago tayo makakasama and may bago tayo matutunan galing sa kanila 'di ba. Nakakapressure lang kasi 'pag may bago, e, meron mawawalan.

“Nagpapasalamat lang ako na kasama pa rin ako [sa Artist Center] 'di ba. So, lagi lang naman tayo nagpapasalamat at saka lagi lang tayo matuto sa trabaho natin.”

Source officialjayarcilla IG

Source: officialjayarcilla (IG)

Sa mga newly-signed Kapuso artist, gustong-gusto ni Jay makatrabaho ang multi-awarded actress na si Bea Alonzo sa isang project.

Saad niya, “Siyempre si Miss Bea Alonzo. Kasi before nung bata-bata pa ako nagpa-picture pa ako kay Miss Bea Alonzo nun. Gustong-gusto ko siya maka-work talaga, kahit na kapatid no, puwede.”