
Naging susi raw ito sa pagsikat ni Teejay sa Indonesia!
Tulad ni Maine Mendoza na nakilala sa buong Pilipinas dahil sa mga trending dubsmash videos niya, sumikat din ang former Walang Tulugan star na si Teejay Marquez sa bansang Indonesia dahil sa dubsmash videos na ina-upload niya sa Instagram. May mahigit 838,000 followers na si Teejay sa naturang photo-sharing app.
Sa ngayon, patok sa mga Indonesians ang local TV program niya roon na Lovepedia. At abala rin siya sa kanyang first major Indonesian film na may title na Dubsmash.
Video courtesy of TRANS TV Official
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa former star ng Pyra Babaeng Apoy nang mag-guest ito sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle sa Barangay LS 97.1 nitong Lunes ng umaga (April 4), sobrang hindi siya makapaniwala na tulad ni Maine Mendoza, naging susi rin ang dubsmash para makilala siya sa ibang bansa.
Paliwanag ni Teejay, “Honestly, nakakatuwa kasi sinong mag-aakala na dahil sa isang application, dahil gusto mo lang ipakita sa followers mo na nakakatuwa ka, nagkaroon ka ng chance para madala sa ibang bansa. At dahil pa dun nabigyan ako ng isang pelikula na ako mismo ‘yung bida, hindi lang siya indie film talagang main film ng buong Indonesia.”
Sobra rin daw init ng pagtanggap ng mga tao dun sa kanya na feeling niya isa siyang Hollywood star.
Aniya, “Tapos ‘yung suporta na parang feeling nila sa akin isang [Hollywood star]. 'Pag dumating dito ‘yung mga artistang taga Hollywood, ‘yung treatment [na ganun] na-experience ko siya dun [sa Indonesia].”
Secret to Filipino success in Indonesia
Bukod kay Teejay, isa sa mga sikat na Pinoy doon ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista. Gumawa rin ng pelikula ang Bubble Gang star na si Gwen Zamora sa Indonesia noong 2012.
Tinanong namin si Teejay kung ano ang sikreto kung bakit maraming Pinoy ang sumisikat sa bansa na iyon.
Ayon sa aktor, “Parang feeling kasi nila kalapit nila [tayo], ka-Asian.”
Nagkuwento rin ang guwapong binata ng experience niya sa pagsu-shoot ng pelikula doon.
Aniya, kinailangan niyang mag-aral ng Bahasa para mas maayos na magampanan ang kaniyang role at mahaba rin daw ang oras ng kanilang shooting. Pero para kay Teejay, sulit daw ang lahat ng pagod at tinuturing niyang blessing ang lahat ng ito.
“Unang-una excited kasi first major film. Second, na-challenge ako because of the language. Hindi matutuloy ‘yung pelikula kapag hindi ako nagsalita ng Bahasa so nag-tutor ako for one month, nag-private lesson ako for one month.”
Dagdag niya, “Nagsimula na ‘yung shooting twelve straight days siya, walang stop. Tapos kaya nangyari umuuwi lang ako para maligo or kumuha ng damit, so parang doon ako namayat dun ako nangitim ganun… Parang inisip ko na lang na blessing 'to so huwag kang magrereklamo ginusto mo 'yan.”
MORE ON TEEJAY MARQUEZ:
Not Seen on TV: Teejay Marquez talks about his role in ‘Pyra Babaeng Apoy’
10 things about Teejay Marquez that can sweep every girl off her feet