What's Hot

Ano ang parte ng katawan ni Pauleen Luna ang gusto ni Vic Sotto?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: P11B in illegal drugs seized, 16k drug suspects nabbed in Q1 2026
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpapasamalat ang Kapuso star sa mala-anghel na mukha ng kanyang magiging misis dahil ito raw ang kanyang pinakapaboritong pisikal na katangian.


By BEA RODRIGUEZ

 

#MyBebeLove ??

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on


Puno ng pagmamahal ang Pasko ni Bossing Vic Sotto dahil all-set na ang dream wedding nila ng Kapuso actress na si Pauleen Luna.

READ: Pauleen Luna reveals they’re 60 percent done with wedding preparations 

Nagpapasamalat ang Kapuso star sa mala-anghel na mukha ng kanyang magiging misis dahil ito raw ang kanyang pinakapaboritong pisikal na katangian.

Dahil maraming biyaya ang natanggap ni Bossing ngayong taon, hindi na rin siya makapaghintay na ibigay ang napaka-espesyal na regalo para sa kanyang soon-to-be-wife.

"'Yung pinaka-espesyal na regalo ko 'yung sarili ko. Wow! Ang aking katawan [dahil] it's more than just a material gift eh. It's a gift of life," saad niya sa panayam ni Ricky Lo sa CelebriTV.

LOOK: Vic Sotto and Pauleen Luna’s Hong Kong weekend getaway

 

And to complete my day... i visited my love on the set of #MyBebeLove ??

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on


Siguradong hulog ng langit rin ang magiging baby nilang dalawa. Ilang anak kaya ang kanyang hiling? "Kung ilan ang ibibigay ng Panginoon," sambit niya.

Inilarawan niya ang kanyang kasal bilang "simple" at "solemn" na dadaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

READ: Pauleen Luna, ikinuwento kung paano nag-propose si Vic Sotto

Hindi pinalampas ni Bossing ang pagkakataon na banggitin ang partisipasyon ng kanyang mga anak at kamag-anak. Aniya, "I made it a point that lahat ng aking mga anak and mga in-laws, gusto ko kasama sila sa isang pinakaimportanteng event sa buhay ko."

Bibida pa rin si Vic sa Metro Manila Film Festival kung saan official entry ang kanyang pelikula kasama ang Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas at ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa 'My Bebe Love.'

READ: 'Hindi niya ako inabandona' –Aiai Delas Alas on Vic Sotto